Residente Sa Italy, Nagbabala Na Huwag Susundin Ang Ginawa Nila Nung Unang Lumabas Ng Virus

Ayon kay Loraine, kasalukuyan naka-quarantine lahat ng residente ngayon sa Italy.


Hanggang ngayon patuloy pa rin ang pagdami ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba't ibang panig ng mundo. Tinatayang nasa 276,693 na katao na ang nag-positibo sa naturang virus, kasama na dito ang 11,419 na n4matay at 91,954 na naka-recover mula sa COVID-19.

Isa ang bansang Italy sa mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 na umabot na sa 47,021.

Kaya naman marami na ring mga residente sa Italy ang nananawagan sa buong mundo na makinig sa mga aksyon na ginagawa ng gobyerno nang sa gayon ay hindi sila matulad sa nangyayari sa kanila ngayon.


Isa na nga dito ang netizen na si Loraine Royes. Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi niya ang kasalukuyan na nangyayari ngayon sa Italy - Milan, kung saan siya nakatira.

Ayon kay Loraine, kasalukuyan naka-quarantine lahat ng residente ngayon sa Italy. Maging ang mga kumpanya, establisyemento, at mga pamilihan ay nakasara na rin. Hinuhuli na din sa kanila ng mga awtoridad ang mga taong nakikita pa rin sa lansangan sa gitna ng quarantine na ipinatupad sa kanila.


Kwento pa ni Loraine, nalulungkot at natatakot din sila sa nangyayari ngayon sa kanilang bansa dahil sa patuloy pa rin na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa at naghihintay na lamang kung kailan pa matatapos ang krisis na kinakaharap nila ngayon.

Saad pa niya, noong una daw, naging masaya at pinapatuloy pa rin nila kung ano ang buhay na kinagisnan nila sa Italy kung saan madalas pa rin sila mag-party at magpunta sa mga matataong lugar kahit pa man nasa kalagitnaan na noon ang banta ng COVID-19. At ngayon na nangyayari na ito sa kanilang bansa, ngayon pa lamang sila nagsisisi sa kanilang mga naging kilos at hindi pag-iingat.


Kaya naman, hiniling niya sa lahat na huwag balewalain ang COVID-19 at makinig na lamang sa mga pinag-uutos ngayon ng gobyerno sa iba't ibang panig ng mundo. Kung maaari din daw ay protektahan din natin ang ating mga mahal sa buhay, pamilya, at maging ang ating mga lolo at lola, lalo pa at mas delikado para sa kanila ang COVID-19.


Saad pa ni Loraine, ayaw niyang matulad ang iba pang bansa sa Italy ngayon kung saan halos daan daan ang namamatay kada araw dahil na rin sa kakulangan nila ng pasilidad para sa dami ng bilang ng mayroong COVID-19 sa kanilang bansa.

Hanggang maari din daw ay sumunod na lamang sa quarantine na ipinapatupad at sa social distancing.

Hinikayat niya rin ang publiko na uminom ng vitamin C at kumain ng mga gulay at prutas na makakatulong para magpalakas ng ating immune system para malabanan nito ang naturang virus. Hiling lamang din niya ay ang ingatan ng lahat ang kanilang mga kalusugan, lalo na sa ngayon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,153,Celebrity Stories,119,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,6,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,267,Tips,53,Trending,286,TV Show,2,
ltr
item
How To Care: Residente Sa Italy, Nagbabala Na Huwag Susundin Ang Ginawa Nila Nung Unang Lumabas Ng Virus
Residente Sa Italy, Nagbabala Na Huwag Susundin Ang Ginawa Nila Nung Unang Lumabas Ng Virus
Ayon kay Loraine, kasalukuyan naka-quarantine lahat ng residente ngayon sa Italy.
https://1.bp.blogspot.com/-tgN9u6V_4Hc/XnZJ6TX218I/AAAAAAACGDg/fAhKlBqyqQsuitkWPDozMD4qXFVpGl6lwCLcBGAsYHQ/s640/italy%2Bwoman.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-tgN9u6V_4Hc/XnZJ6TX218I/AAAAAAACGDg/fAhKlBqyqQsuitkWPDozMD4qXFVpGl6lwCLcBGAsYHQ/s72-c/italy%2Bwoman.jpg
How To Care
https://www.howtocare.net/2020/03/residente-sa-italy-nagbabala-na-huwag.html
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/2020/03/residente-sa-italy-nagbabala-na-huwag.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy