Isda Sa Amazon River, Nakitaan Na May Mga Ngipin Kapareho Ng Sa Tao

Isa ang Amazon sa pinakamaganda at pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ito rin ay tinuturing na tahanan ng iba't ibang uri ng yamang-dagat.


Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na isa ang kailaliman ng dagat sa mayroong pinamagandang bagay na ibinigay sa atin ng mundo. Ang ilang magagandang yamang dagat ay madalas nakikita na rin ng ating mga mata samantalang ang iba naman ay nadidiskubre na lamang natin.

Katulad na lamang ng isang species na ito na nagpamangha sa marami matapos itong makita dahil hindi rin nila inakala na sila ay makakakita ng ganitong uri ng yamang-dagat.

Isa ang Amazon sa pinakamaganda at pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ito rin ay tinuturing na tahanan ng iba't ibang uri ng yamang-dagat.


Ngunit, ang dalawang uri ng isda na ito ay nakapukaw sa atensyon ng mga mananaliksik nang ito ay nakitaan nila ng mga ngipin na katulad sa mga tao.

Ang dalawang uri ng isda naman na ito ay tinatawag na Sheepshead at Pacu.



Ayon sa National Geographic, ang Pacu ay isang uri ng isda na madalas makikita sa Amazon at Orinoco rivers sa lowland Amazonia. Samantala, natagpuan naman ang isda na ito sa Papua New Guinea.

Ang Pacu fish ay isa ring uri ng Piranha na madalas nating nakikita sa ilang mga pelikula na kumakain ng tao o di kaya mga carnivores. Ngunit, kumpara sa ibang uri ng mga Piranha, ang Pacu fish naman ay mas gustong kumain ng mga gulay at mga omnivores.


Ang mga ngipin din ng Pacu fish ay mas parisukat kumpara sa iba pang mga piranha fishes. Unang kita pa lamang sa kanilang mga ngipin, aakalain na talaga na ito ay kamukha ng ngipin ng mga tao.

Ang mga Pacu fish naman ay kadalasang ginagamit ang kanilang mga ngipin para kumain ng mga prutas o di kaya mani. Hindi rin sila ganoon kadalas kumain ng mga isda o di kaya mga invertebrates dahil hindi rin naman ito ang pangunahing pinagkukunan nila ng kanilang makakain.



Sila ay nabubuhay na sa pagkain ng mga prutas at mani na madalas nahuhulog sa mga puno malapit sa ilog ng Amazon.

Sa kabilang banda, ang ngipin naman na mayroon ang Sheepshead fish ay mas kamukha talaga ng ngipin ng mga tao kumpara sa mga Pacu fish.


Ayon sa BuzzNick, ang mga ngipin ng Sheepshead fish ay tumutubo rin katulad ng sa tao. Habang lumalaki ang isang Sheepshead fish, mayroon namang ngipin na tumutubo sa harap ng kanilang panga kasama na rito ang ilang molars kung saan ang tatlo nito ay tumutubo sa taas habang ang dalawa naman ay sa baba.


Talaga nga naman ang pagkakapareho ng dalawang uri ng species na ito sa mundo ay nakakamangha. Ito lamang ay patunay kung gaano kaganda at nakakabilib ang mga bagay bagay na mayroon sa ating mundo, nakikita man natin o nadidiskubre na lamang ng kusa.

Ngunit, dapat pa rin nating alalahanin na dapat nating pag-ingatan at alagaan ang ganda at nakakamanghang bagay na mayroon ang mundo dahil ito ay maaaring makita pa ng mga susunod na henerasyon.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,153,Celebrity Stories,105,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,6,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,260,Tips,53,Trending,282,TV Show,2,
ltr
item
How To Care: Isda Sa Amazon River, Nakitaan Na May Mga Ngipin Kapareho Ng Sa Tao
Isda Sa Amazon River, Nakitaan Na May Mga Ngipin Kapareho Ng Sa Tao
Isa ang Amazon sa pinakamaganda at pinakamalaking ilog sa buong mundo. Ito rin ay tinuturing na tahanan ng iba't ibang uri ng yamang-dagat.
https://1.bp.blogspot.com/-vfzUc7z0VIQ/Xn2uunNWk3I/AAAAAAACHAc/bOltKRJI5BYu9GZXblDuzV1pGv45HbKMwCLcBGAsYHQ/s640/amazon%2Bfishes.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-vfzUc7z0VIQ/Xn2uunNWk3I/AAAAAAACHAc/bOltKRJI5BYu9GZXblDuzV1pGv45HbKMwCLcBGAsYHQ/s72-c/amazon%2Bfishes.jpg
How To Care
https://www.howtocare.net/2020/03/dalawang-klase-ng-isda-sa-amazon-river.html
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/2020/03/dalawang-klase-ng-isda-sa-amazon-river.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy