Pangulong Duterte, Binuksan Na Ang Kauna-Unahang Oil At Gas Rig Sa Pilipinas

Tinuturing naman na isang pinakamalaking proyekto ng bansa pagdating sa industriya ng gas at langis ang Alegria oilfield.


Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang seremonya para sa pagbubukas ng Alegria Oilfield Polyard-3 Well Site kung saan sinabi ng Pangulo na ang Alegria, ay isa sa mga pinakamayamang lugar sa bansa at ang mga gas at oil fields sa naturang lugar ay maaari ding makapagbigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.

Nang makarating din ang Pangulo sa Alegria para sa seremonya ng pagbubukas ng kauna-unahang gas at oil production sa bansang Pilipinas, may kaunti ring tagubilin na sinabi sa kaniya sina China International Mining Petroleum (CIMP) Assistant Country Manager Edgar Benedict Cutiingco at Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi patungkol sa ginagawang proyekto.

Ani ng Pangulo,

“Dati ang Alegria (Alegria is rich).”


Tinuturing naman na isang pinakamalaking proyekto ng bansa pagdating sa industriya ng gas at langis ang Alegria oilfield.

Tinatayang nasa 197,000 hectares ang kabuuang area nito at nasa 42,749 hectares naman para sa mga machineries at iba pang mga kagamitan na gagamitin sa paggawa ng gas at langis. 


Dagdag naman ng Pangulo na tinitiyak niya na makakatulong ang gas at langis sa Alegria para ito ay maging isang progresibong lugar.

Binanggit din ng Pangulo ang ilang mga local officials at sinabi niya sa mga ito na dapat sila ay maghanda dahil sinisiguro niya na maraming lilipat na Pinoy sa kanilang lugar dahil na rin sa trabahong hatid ng Alegria oilfields.

“Prepare for an expansive human and economic development. Madaghan nang mga tawo diri. (People will flock here.) Prepare for that and do not forget your fellowmen here.”


Dagdag pa ng Pangulo,

“It is a magnet that draws people together. But since we are Filipinos, you should accommodate them and partake of the bounties of what God has given us in the bowels of the earth.”

Hinikayat din niya ang Alegria, mga mamamayan dito, at mga local officials ng lugar na mas pagigihan at pagbutihin pa ang urban planning at paggamit ng lupa ng Alegria, at ilaan ang kinikita para sa lugar ng Alegria para gamitin sa paggawa ng mga lokal na imprastraktura, maayos na pamumuhay para sa mga mamamayan sa naturang lugar, at isulong ang trabaho para sa mga naninirahan dito.


“I can see your own airstrip here, which you can be proud of as your means of transportation from Alegria to other parts of the province and back.”

Sa kabilang banda, sinabi rin ng Pangulo na hindi niya hahayaan ang Alegria oilfield na matulad sa Malampaya gas field na hindi nakapagbayad ng kanilang tax liabilities sa gobyerno.

“Ang nakadaot, kay sa Malampaya, gibinuangan nila ang tao, wala nila gihatag ang share. Ayaw ana. Kung unsa gani – seventy… P72 billion – nga wa mahatag sa probinsya (What really soured things in Malampaya was they deceived the people. They refused to give the people their share. Don’t do that. P72 billion. They didn’t give it to the province).”



Pagpapatuloy ng Pangulo,

“Ako, dili ko ana. Kung unsay inyo, inyo. Walay kuan, walay Bisaya o walay Ilocano, walay Maranao, walay… Basta fair tanan. Kung unsay inyo, inyo na. Ayaw mo’g panguha og lain kung di ninyo (I won’t allow that. Whatever is yours is yours regardless of whether you’re Bisaya or Ilocano or Maranao. It will be fair for all. Whatever belongs to you is yours. Don’t take what is not yours).”

Sa kasalukuyan naman ang Alegria oilfield ay pinatatakbo ng  China International Mining Petroleum Company Ltd., kasama na ang  Skywealth Group Holdings Ltd. And Phil-Mal Energy International Inc. na mayroong nasa $30.80 million o nasa Php1.61 billion para sa investment para sa proyekto ng Duterte administration.


COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,155,Celebrity Stories,67,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,6,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,217,Tips,51,Trending,241,TV Show,2,
ltr
item
How To Care: Pangulong Duterte, Binuksan Na Ang Kauna-Unahang Oil At Gas Rig Sa Pilipinas
Pangulong Duterte, Binuksan Na Ang Kauna-Unahang Oil At Gas Rig Sa Pilipinas
Tinuturing naman na isang pinakamalaking proyekto ng bansa pagdating sa industriya ng gas at langis ang Alegria oilfield.
https://1.bp.blogspot.com/-Ag8V7l7mWRY/Xj1hriExzzI/AAAAAAACAf0/qFHIaCk1Vzw_t1PoktGFvcoiCEGi-NsZgCLcBGAsYHQ/s640/alegria%2Boil%2Brig.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-Ag8V7l7mWRY/Xj1hriExzzI/AAAAAAACAf0/qFHIaCk1Vzw_t1PoktGFvcoiCEGi-NsZgCLcBGAsYHQ/s72-c/alegria%2Boil%2Brig.jpg
How To Care
https://www.howtocare.net/2020/02/pangulong-duterte-binuksan-na-ang-kauna.html
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/2020/02/pangulong-duterte-binuksan-na-ang-kauna.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy