Foreigner Na Niloko Ng Pinay Girlfriend Ng 8 Taon, Nagtitinda Na Lamang Ng Gulay

Dahil sa kaniyang labis na pagmamahal at lubos na pagtitiwala, pinadalhan ni Bryan Laurence ang kaniyang Pinay girlfriend ng pera.


Ika nga ng sikat na awit ni Balagtas sa akda niyang Florante at Laura, "Pag-ibig, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang." Ganiyan ang nadama ng isang lalaki mula sa New Zealand para sa kaniyang ka-chat na "Filipina" na naging girlfriend nito.

Dahil sa kaniyang labis na pagmamahal at lubos na pagtitiwala, pinadalhan ni Bryan Laurence ang kaniyang Pinay girlfriend ng pera para makapagpatayo ng "bahay" nila dito sa Pilipinas at binigyan din niya ito ng pang-negosyo. At para mapatunayan niya na tunay ang kaniyang pag-ibig, nagpunta siya sa Pilipinas.

Pero laking gulat niya dahil ang lahat ng inaasahan niyang madatnan sa Pilipinas ay nawalang kathang-isip lamang. At ang pinakamasaklap, ang minahal niyang "girlfriend" ay isa palang bakla! Wala na siyang tutuluyan sa Pilipinas at itinakas pa ng bakla ang pera niya.

Dahil sa pangyayaring ito, sinampahan ng kaso ni Bryan ang bakla na nanloko sa kaniya. Gayunpaman, naubos na rin ang kaniyang pera kaya naman naghirap na ang kaawa-awang foreigner na ito.


Sa ngayon, walong taon na siyang naninirahan sa Kidapawan. Para mairaos ang kaniyang sarili sa kahirapan sa araw araw, masipag na nagtitinda ng gulay si Bryan.

Ang kuwentong ito ng karanasang ni Bryan ay nakatawag pansin sa isang netizen at ibinahagi niya ang naging karanasan nito sa YouTube at socmed.

Ayon kay Bryan, na edad 61 na ngayon, nasanay na siya sa paninirahan sa Pilipinas sa loob ng walong taon. Nakita niya na kahit niloko siya ng dating nitong kasintahan, hindi naman lahat ng Pilipino ay kagaya niya. Sinabi niya na may mabubuting kalooban pa rin naman ang karamihan sa mga Pilipino at nasanay na rin siya sa paninirahan dito.

Sa hirap ng buhay ngayon, marami talaga ang nanlalamang ng kapwa para sa sariling kapakinabangan. Nakalulungkot na naranasan ito ng isang dayuhan na nagnais lang naman na magmahal at mahalin. Nawa nga na ang foreigner na ito ay makatanggap ng katarungan mula sa kaniyang naranasan at makaranas ng tunay na pagmamahal.

COMMENTS

Name

Bird,4,Bird-Food,3,Cat,4,Cat-Food,3,Celebrity,155,Celebrity Stories,67,Celebrity. Tips,3,Dengue Alert,1,Diether Ocampo,1,Dog,6,Dog-Food,4,Entertainment,2,Fish,5,Fish-Food,3,Hamster,1,Health,1,Marriage,1,Money Tips,1,Nation,1,News,8,Nutrients,1,OFW,6,OFW News,2,Others,1,Passport,1,Postal ID,1,PWD,1,Rabbit,5,Rabbit-Food,3,Showbiz,21,Sick,1,Stories,217,Tips,51,Trending,241,TV Show,2,
ltr
item
How To Care: Foreigner Na Niloko Ng Pinay Girlfriend Ng 8 Taon, Nagtitinda Na Lamang Ng Gulay
Foreigner Na Niloko Ng Pinay Girlfriend Ng 8 Taon, Nagtitinda Na Lamang Ng Gulay
Dahil sa kaniyang labis na pagmamahal at lubos na pagtitiwala, pinadalhan ni Bryan Laurence ang kaniyang Pinay girlfriend ng pera.
https://1.bp.blogspot.com/-fyllfceLQqc/Xdx7_cQT7TI/AAAAAAAB29U/dNz3i_0ZQ-QfSZaLpB8UpOrlHOn-n1SfgCLcBGAsYHQ/s640/turista%2Bgulay.jpg
https://1.bp.blogspot.com/-fyllfceLQqc/Xdx7_cQT7TI/AAAAAAAB29U/dNz3i_0ZQ-QfSZaLpB8UpOrlHOn-n1SfgCLcBGAsYHQ/s72-c/turista%2Bgulay.jpg
How To Care
https://www.howtocare.net/2019/11/foreigner-na-niloko-ng-pinay-girlfriend.html
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/
https://www.howtocare.net/2019/11/foreigner-na-niloko-ng-pinay-girlfriend.html
true
5118111858070546927
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy